Kay Inay at Itay
Sa sinapupunan ni Inay
Pumintig aking
buhay
Sa bisig ni Itay
Nagkaroon ako ng
malay.
Walang katapusang
salamat
Sa inyong aruga’t
kalinga
Napuno ng saya’t galak
Itong mundong
payak.
Ilang taong
pinaghirapan
Matupad lang
inyong pangarap
Ito’y nakapagbigay
lakas
Hanggang sa
tumanda’t wakas.
Sa lungsod
dinala’t napadpad
Upang pag-aaral
matapos
Para kay Inay at
Itay
Ito’y sa kanila
inaalay.
Ngunit nang mamulat
Yaman at luho’y
tinalikuran
Dahil bakit itong
mundo natin
Lipuna’y hindi
makatarungan.
Duon sa lansangan
nagsisigaw
Kasama ang
naaapi’t masa
Katarunga’y
umaalingawngaw
Upang mabingi ang
naghaharing uri.
Lumipas man ang
panahon
Ako’y biglang
mawala
Duon sa may parang
Makitang punglo
ang dala.
Kay Inay at Itay
Huwag kayong
mag-alala
Dugo man ay
kumalat
Ito’y para sa
magandang bukas.
Malaki ang inyong
ambag
Para sa tunay na
pagbabago
Kayo ay
nakapaghubog
Ng isang rebolusyonaryo.