Kasama
Bakit nga ba tayo’y narito
‘Di ba upang
magsilbi
Sa bayang naaapi?
Bakit natawag kang
kasama?
Dahil ika’y ‘di
naiiba
Sa mga
rebolusyonaryo’t mandirigma.
Buhay ma’y ibuwis
O ang luhong
kinagisnan
Ito’y hakbang
pasulong
Tungong sosyalismo.
Halina, masdan
natin sila
‘Di ba’t masaya
Kung mabuhay nang
malaya?
Ito’y ating
makakamtan
Kung ngayo’y ating
simulan
Hanggang sa huling
laban.
Huwag nang
mag-atubili
Hawakan na ang
baril
Para sa kalayaang
inaasam.
Wakasan ang salot
ng lipunan
At ang pananamantala
Ng naghaharing uri’t dayuhan.