Kamatayan ay Buhay
Punasan mo ang luha
Kung may
nahimlay
Pulutin mo ang
armas
Ng bayang umaaklas
Magpunyagi sa
daluyong
Ng rebolusyong makauri.
Landas mo’y
tuwirin
Gabay ang
MALAKAMAZA
Hindi matitinag
Punglo man ng
kalaban
Delubyo ang hatid
Ng mga naghaharing
uri.
Tumindig ka,
kasama
Kahit may
natutumba
Dugo man ay
kumalat
Sa bayang tinubuan
Kamatayan ay buhay
Sa nagbabagang lupa.