Friday, June 6, 2014

Jesus Armado

Babae


Ay! Babae
Kalahati ka ng sangkatauhan
Sa sinapupunan mo
Marami ang nabubuhay.

Ay! Babae
Huwag kang magpa-alipin
Sa mga kalalakihan
Na mapagsamantala.

Ay! Babae
Tanglaw ka ng tahanan
Puso rin ng sambayanan
Kasangga mo ang naaapi
Sa baying malakolonyal at malapyudal.

Ay! Babae
Baliktarin ang tatsulok
Ito’y sistemang bulok
Hatid ang pananamantala
Sa tulad mo’t kabaro

Babae, gumising ka
Ikaw rin ay may buhay
Tulad rin ng iba
Pinagkaitan ng karapatan
Dapat ipaglaban.