Anak ng Bayan
Naaalala ko, anak
Nuong bata ka pa
Masaya ka na
Kahit tayo’y
walang pera.
Karga-karga kita
Habang ang nanay
mo’y namamalantsa
Pilit umahon sa
kahirapan
Para lang sa
inyong kinabukasan.
Ngayo’y malaki ka
na
Maraming unos na
rin ang napagdaanan
Maraming beses na
ring natumba
Ngunit ngayo’y
nakatayo pa rin.
“Matatag ka, anak”
Sabin g iyong
nanay
Masasabi ko’y
ganundin
Kahit sinusumbatan
mo ako
Parati pa nga ito.
Sumasama ka na nga
ngayon parati
Sa rali dun sa may
LB
Palagi na tayong
nagkasagutan
Dahil lang sa isyu
ng lipunan.
Hayaan mo, anak
Ito’y
maiintindihan ko rin
Huwag mo lang
pipilitin
Panahon ang
makapagsabi sa atin.
Kung tingin mo’y
tama ito
Gawin mo nang buo
Huwag kang
mag-alinlangan
Kami’y nasa iyong
likuran.
Dahan-dahan na nga
naming naiintindihan
Hindi ka nga
ngayon anak naming
Kundi anak na ng
karamihan
Anak na ng bayan.