Alaala
Naalala mo pa ba
Nung tayong dalawa
Nasa rali sa may
Mendiola?
Naalala mo pa ba
Puso mo’y puno ng pagmamalasakit
Sa mga naaapi’t sa
masa?
Naalala mo pa ba
Sinigaw mo’t
ipinaglaban
Kanilang hinaing
at problema?
Bakit ngayon ika’y
parang nag-iba?
Sa rali, hindi ka
na sumasama
Sila ba’y limot mo
na?
O di kaya ika’y
nasa bundok na
At punglo na ang dala?
Published in i/o the literary
folio of the The DATALINE the official student publication of AMA Computer
College of Quezon City last December 1999 in p. 10 and printed by MJC Press
Corp in Manila, Philippines.