Martsa
Lakad . . . Takbo . . . Patungong Mendiola.
Hawak ang placard
habang nagmamartsa
Naka-tsinelas at
t-shrt na kulay pula
Puno ng
pagmamalasakit at galit.
Nakatikom ang mga
kamay
At ito’y
iwinawagayway
Sa mga pasista’t
imperyalista.
Lakad . . . Takbo
. . . Patungong Mendiola.
Upang marinig mga
hinaing at problema
Ng lipunan at nang masa
Sa manhid na
gobyerno’t galamay nito
Sa bayang
malapyudal at malakolonyal.
Ibagsak ang
imperyalismo!
Ibagsak ang
burukrata kapitalismo!
Ibagsak ang
pyudalismo!
Sumisigaw habang
patungo
Sa daan patungong
Mendiola.
Lakasan pa’t
sumabog
Ang mitsang
nag-iinit
Sa bayang matagal
nang inaapi.
Lakad . . . Takbo
. . . Patungong Mendiola.