Pulang Rosas
Sa tapang, ganda at talino
Nabibighani ako sa
iyo
Pati ang iyong
kasigasigan
Upang mapalaya ang
bayan.
Hindi ka man
maniwala
Mula nang una
kitang masilayan
Naipunla ang butil
ng pag-ibig
Sa nagbabagang
armas at rosas.
Pilit mo bang
iwaksi
At kalimutan na
lamang
Lalo pang
tumitindi
Pintig na ‘di
mawari.
Itong aking
nararamdaman
Pag-ibig na di
mapantayan
Tulad ng
pagmamahal ko
Sa lupang
tinubuan.
O rosas ng digmaan
Tanggapin mo at
sambitin
Ang inaasam ng
karamihan
Magpupunyagi ang ating ipinaglalaban.
Published in i/o the literary
folio of the The DATALINE the official student publication of AMA Computer
College of Quezon City last December 1999 in p. 11 and printed by MJC Press
Corp in Manila, Philippines.